BANYO NI VICE GANDA, PASADO KAY KRIS AQUINO!

DUMALAW DAW NUNG Linggo sa bagong bahay ni Vice Ganda ang kanyang kaibigan at movie buddy na si Kris Aquino. Kasama raw ng TV host-actress ang mga anak na sina Joshua at Baby James.

Natawa raw sila kay Bimby nung ulitin nito ang sinabi ni Vice sa mga kaibigan niyang nasa bahay that day na, “Mga bakla, ‘andito si Ms. Kris!” Bigla raw nag-dialogue ang bagets na, “Mga bakla!”

Pagpasok daw ni Kristeta ay dumire-deretso ito sa banyo na tila tsinek kung maganda at malinis. Pinuri naman daw nito ang banyo.

Pagpanhik daw ng hagdan na gawa sa salamin ang hawakan at steps papunta sa kuwarto ni Vice, naloka raw  si  Kris  sa  ganda  at  sinabing, “Sosyal! Pang-mayaman!”

Ang mga kapitbahay naman daw nina Vice ay naglabasan ng kani-kanilang mga bahay at nag-abang para makita ang mag-iina.

SA AMING PAGKAKAALAM, sa dating simbahan sa Amerika na pinagkasalan nila 25 years ago magre-renew ng wedding vows ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado sa May 28. Pero naulinigan namin na parang nabago ang plano ng mag-asawa. Baka magbakasyon na lang daw silang dalawa for their silver wedding anniversary.

Pero mula sa malapit na tao ng mag-asawa, matutuloy na ang pagpapakasal nilang muli sa States, pero sa May 10 na at hindi na sa May 28.

Nu’ng Tuesday naman, nakatanggap kami ng impormasyon na back to May 28 na ang renewal of vows nina Sen. Bong at Cong. Lani na gaganapin na baka raw ganapin sa Tagaytay Highlands.

KUNG MAGKAKASAMA RAW sina Richard Gomez at Aga Muhlach sa isang show sa  TV5, maganda raw kung sitcom, ayon sa una, dahil masaya raw.

Tungkol naman sa naunsiyaming planong pagsamahin muli sila ni Sharon Cuneta sa isang pelikula, walang ibang nasabi si Richard Gomez kundi, matagal na raw ‘yon. Pero kung okey na raw ang script at plantsado na, he’s willing to do it. But unfortunately, he never heard of it anymore.

Ibang-iba naman daw ang mga artistang tulad nina Aga Muhlach, Sharon at Maricel Soriano noon, to name a few, dahil tinagurian talaga silang movie stars. Ang movie stars daw nung panahon nila nagkro-crossover sa TV, unlike ngayon na baliktad na.

Well, sa totoo lang naman, may ilang mga artista kasi talaga ngayon ang sumisikat sa TV, pero ‘pag sinubukang sugalan ng mga movie produ sa pelikula, wala na, flopey! Hanggang TV na lang talaga ang kasikatan ng ibang mga artista ngayon.

ABA, SA MARCH 23 na pala gaganapin ang formal launching ng Miss World Philippines sa SMDC showroom sa SM Mall of Asia complex, with a theme, “Could She Be You? Miss World 2011!”

Sabi nga ni Cory Quirino na exclusive license holder ng Miss World Philippines, “Let’s welcome a brand-new pageant with an even brighter vision for Filipino womanhood and the Philippines!”

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday to Melissa Abigail Carballo of Javalava Manila Tours (March 11), Donna Dahiroc-Atanacio (March 12) and Jolo Revilla (March 15), and advanced happy birthday to Girlie Rodis (March 19) and Mercy Carballo (March 21)!!! 

UGALIIN N’YO PA rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, @francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

2 thoughts on “BANYO NI VICE GANDA, PASADO KAY KRIS AQUINO!

Leave a Reply

Your email address will not be published.