Bantay sa Ospital, Nang-Hostage; Pasyente, Sinaksak ng Tinidor

HINDI MAKAPANIWALA ang isang bantay sa loob ng ospital na magagawa niyang mang-hostage matapos na maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Kinilala ang salarin na si Romeo Alivario ng Sto. Cristo, Tabaco City.

Sinabi ni Alivario na  na nagulat na lamang siya sa mga nangyari kung saan matapos maalimpungatan ay sinugod na nito ang matandang pasyente na kasama ng kanyang binabantayan sa isang silid at saka hinostage.

Maliban dito, nagawa pa ng salarin na saksakin ng hawak na tinidor ang biktima na isang 72-anyos na lola.

Samantala, bago pa man dumating ang mga rumespondeng pulis, nahimasmasan na si Alivario at saka nagsimulang pagsisihan ang kanyang ginawa.

Sa ngayon, ligtas na rin ang biktima nito habang nakakulong naman sa Legazpi City PNP ang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.