Bantay Bayan, Namaril ng 2 Kapit-bahay

NASA LIGTAS nang kalagayan ang dalawang katao,matapos magtamo ng tama ng bala mula sa improvise shotgun ng isang Bantay-Bayan sa  Sitio Tubugan Brgy, Muzon, San Jose del Monte City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang mga biktimang sina Apple Joy Trinidad, 16 anyos; at Jason Silva Y Fudalon 18 anyos, residente ng Pabahay 2000, samantalang ang suspek naman na agad ding nadakip ay nakilalang Bernabe Gojo Cruz Y Revillo 41 anyos, at isang bantay-bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Ernie Ramos, nasa pagitan ng ala-1 at alas-3 ng madaling-araw nang makita ng mga biktima ang suspek na palakad-lakad malapit sa isang under construction na bahay sa kanilang lugar.

Nabatid na makalipas ang ilang minuto, pumasok ang suspek sa ginagawang bahay kung saan kinuha umano nito ang mga bakal, dahilan upang sitahin ito ng mga biktima kung bakit nito kinuha ang mga gamit ng nabanggit na bahay.

Sa halip na sumagot, uma-lingawngaw ang isang malakas na putok mula sa dala nitong Homemade shotgun, kung saan agad na tinamaan ang dalawa sa tiyan, na nakatawag-pansin naman sa mga residente roon, dahilan upang agad na madakip ang suspek. Habang agad namang isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa San Jose del Monte City Jail habang inihahanda ang kasong Double Frustrated Homicide.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.