Bantang Kaso Laban Kay P-Noy, Minaliit ng Malacañang

IPINAGKIBIT-BALIKAT LANG ng Palasyo ang banta ng isang militanteng grupo na magsasampa sila ng kaso laban kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III dahil sa umano’y paggamit nito ng pondo ng taongbayan sa pangangampanya.

Ayon kay Cabinet Sec. Jose Rene Almendras, malaya naman ang mga ito na magsampa ng kaso dahil mayroon namang justice system sa bansa.

Kasabay nito, idinepensa ni Almendras ang pagsama ng presidente sa pangangampanya ng Team PNoy.

Sinabi ni Almendras na may mga events si Pangulong Aquino na nasasabay sa mga sorties ng Team PNoy.

Halimbawa aniya rito ang event ni P-Noy sa Cebu kamakalawa at maghapon sa Iloilo kahapon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.