Bantang Impeachment kay PNOy, Bale-wala sa Palasyo

BINALE-WALA NG Palasyo ang banta ng ilang mambabatas na kanilang sasampahan ng impeachment si Pangulong Noynoy Aquino III dahil sa umano’y maling paggamit ng pork barrel sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Una nang sinabi ni ACT partylist Rep. Antonio Tinio na dapat ding managot ang Pangulo hinggil sa P10 billion pork barrel fund scam dahil nagpapatuloy ang anomalya sa ilalim ng pamamahala nito.

Ayon kay Communications Group Sec. Sonny Coloma, bagama’t nirerespeto nila ang opinyon ng mga kongresista, dadaan pa rin ito sa proseso at duda silang tatayo ang reklamo dahil wala namang nilalabag na batas ang Pangulong Aquino.

Sinabi ni Coloma na numbers game ang impeachment at tiwala silang hindi makakakuha ng sapat na boto ang Kamara upang umusad.

Samantala, una nang dumistansya sa isyu ang taga-minorya sa Kamara sa pagsasabing mas mara-ming problema ng bansa ang dapat tutukan tulad ng Zamboanga siege at pagdami ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Bantang Impeachment kay PNOy, Bale-wala sa Palasyo

  1. Ang solusyon madali lang dapat an gmga nagnanakaw tanggalin sa posisyon nya tapos kunin ang kayamanan nila tapos ikulong ang buong pamilya dahil nakinaban din ang mga iyon.,

Leave a Reply

Your email address will not be published.