Banta nina Jinggoy at Bong, Minaliit ng Malacañang

IPINAGKIBIT-BALIKAT LAMANG ng Palasyo ang banta ng ilang opposisyong senador na kanilang isasapubliko ang umano’y katiwalian ng Executive Department at mga kaalyadong mambabatas sa paggamit ng priority development assistance fund (PDAF).

Maaalala na inihayag nina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla na inihahanda nila ang privilege speech sa susunod na linggo at sa impormasyon, isisiwalat daw ng mga ito ang anomalyang kinasasangkutan ng mga taga-administrasyon sa pork barrel fund.

Inakusahan ng mga ito ang kasalukuyang administrasyon na namimili at tanging ang mga taga-oposisyon lamang ang idinidiin sa anomalya.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, walang halong pulitika ang pagsasampa ng DoJ ng plunder at malversation cases laban sa may 38 indibidwal.

Hinamon naman ni Budget Sec. Butch Abad ang mga taga-oposisyon na magsampa rin ng kaso sa Ombudsman kung may hawak ang mga itong ebidensya.

Samantala, sinabi ni Abad na malinaw ang utos ng Pangulong Noynoy Aquino III na dapat sampahan ng kaso ang mga lumalabag sa batas kahit oposisyon o administrasyon man ang mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.