Banta ng BIFF sa peace agreement

TULOY PA rin umano sa armadong pakikibaka ang MILF breakaway group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), sa kabila ng pinirmahang “comprehensive peace agreement” ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pamahalaan.

Inihayag ni BIFF senior leader at spokesperson Abu Missry Mama na hindi umano nila kinikilala ang sariling inisyatiba ng MILF, kung kaya’t tuloy umano ang kanilang pagkilos para sa kasarinlan ng Bangsamoro.

“We want independence… through armed struggle. The MILF have their own way and we have ours too,” payahag ni Mama.

Matatandaan na ang BIFF ay mga dating kasapi rin ng MILF na tumiwalag noong 2008.

Nanindigan pa si Mama na aayon lamang sila sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan kung papayagan din ng gobyerno ang pagbuo ng hiwalay na Muslim nation.

“There would be no condition in the talks. They just have to leave our homeland.”

Pero sa panig ng Armed Forces of the Philippines, tiniyak ni AFP spokesperson Lt/ Col. Ramon Zagala na maliit na puwersa na lamang ang BIFF matapos makubkob ng militar ang mga kampo nito.

Sa ngayon aniya, tinatayang nasa 460 kasapi na lamang ang kasama sa grupo.

“We have diminished their threat but we are still monitoring them because of the possibility that they will continue to spurn the peace,” dagdag pa ng opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.