‘Bansot’ puwede na sa PMA

BINABAAN NA ng Philippine Military Academy (PMA) ang height requirement sa mga aplikante ng nasabing unibersidad.

Ayon kay PMA Public Affairs Office Chief Captain Lineth Flores, ginawa na nilang 5 feet ang minimum height requirement para sa mga lalaki at babaeng aplikante mula sa dating 5’2” sa babae at 5’4” sa lalaki.

Naobserbahan kasi nila na maraming aplikante ang kuwalipikado sana, pero pagda-ting sa height requirement ay bumabagsak, ani Flores.

Sa bago nilang height requirement ay puwedeng mag-aplay uli ang mga dating aplikante nila na hindi pa over-age na pasado naman sa ibang kuwalipikasyon, pero bumagsak sa height requirement, dagdag pa ni Flores.

Sa Agosto 26, 2012, gaganapin ang PMA Entrance Examination, kung saan may 37 examination center sa buong bansa ang itinalaga.

Maaari namang mag-aplay on-line sa www.pma.ph o kaya’y i-download ang application form at isumite kasama ang birth certificate sa tanggapan ng PMA. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.