Bansag na ‘Asia’s Smuggling Capital’ sa ‘Pinas, Pinalagan

UMALMA SI Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon sa bansag na “Asia’s smuggling capital” ang Pilipinas.

Ayon kay Biazon, opinyon lamang ito ni Swine Development Council (SDC) Chair Rosedo So.

Unang sinabi ni i So na P32-bilyong halaga ng agricultural products ang naipuslit sa bansa noong 2012 bukod pa sa smuggling sa petrolyo kung saan sinasabing nalulugi ang mga kumpanya ng halos P30 bilyon kada taon.

Sinabi ni Biazon na”That is the personal opinion of Mr. So. Kasi sa World Customs Organization (WCO), there is no such discussion with Philippines being the smuggling capital of Asia.”

Sa katunayan aniya, kagagaling lamang niya sa Panama kung saan inimbitahan siya ng Asian Development Bank (ADB) at WCO para ilahad ang mga tagumpay ng BOC.

Ang imbitasyon ng international groups aniya ang magkokontra sa opinyon ni So.

Sa gitna ng mga alegasyong hindi mapigil na smuggling ng bigas at petrolyo, nanindigan si Biazon na may mga kaso at may mga nahuhuli sa mga ito

Mga bilang lamang aniya ang lumalabas na ulat ng smuggling. Ang kinukunan aniya ng data ng mga naglabas ng report ay hindi analysis at “simple statistics” lamang.

Bukod pa ito sa disclaimer ng International Monetary Fund (IMF) sa nasabing pinagkukunan ng statistics na “there will be differences in the figures reported by different countries because of several factors involved.”

Kabilang aniya sa mga ito ang panahon kung kailan isinumite ang mga datos, pagkakaiba sa presyuhan at iba pa.

Kaugnay ng naturang isyu sa oil smuggling, pinabulaanan ni Biazon ang umano’y away nito sa petroleum players.

Tila may mali rin aniyang paggamit ng lumang datos sa lumalabas na artikulo ukol sa sinasabing malawakang smuggling.

Sinabi ni Biazon na haharapin niya ang mga taong dapat kausapin sa halip na magbase sa mga umiikot na pahayag sa media.

Samantala, naglabas ng sama ng loob si Biazon laban kay So kaugnay ng hindi nagbabago nitong pambabatikos sa kanyang panunungkulan.

Kumpara aniya sa ibang sektor kung saan nagkakaroon ng dayalogo, hindi direktang nakikipag-ugnayan ang SDC.

Hindi rin umano nito nakukuhang purihin ang mga BOC sa tuwing may malaking huli ito.

Matatandaan na mula aniya sa Abono Party-List si So, dahilan upang posibleng may anggulong pulitika ang nasabing isyu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.