Bangsamoro military academy at sugal sa Pasay

PEACE NOT WAR! ‘Yan parekoy ang pangarap, layunin, mithiin at adhikain ng Pangulong Noynoy Aquino.

Wala nga namang mananalo sa giyera kundi ang mga nagbebenta ng mga baril at bala. Wala ring ibang matatalo o mapapatay sa giyera kundi kapwa Pilipino.

Kaya nga sa gitna ng mga panawagang “all out war” laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ay nanindigan si P-Noy na hindi ito ang solusyon sa panibagong karahasang na nagaganap sa Mindanao. Kundi negosasyon tungo sa kapayapaan.

Ang kaso, biglang sumingaw ang isyu na ito palang pamahalaan ni P-Noy ay nagbigay ng 5 milyong piso sa MILF dalawang buwan na ang nakalilipas. Bilang patunay na desidido ang pamahalaan na isulong ang kapayapaan. Bilang patunay naman ng MILF na desidido sila sa negosasyon ay pinag-a-ambush at pinagpapatay ang ating mga sundalo!

Sa ganang akin, ang pagbibigay ng perang 5 milyong piso rito sa rebeldeng grupo ay patunay lamang ng “treason” o pagtataksil sa gobyerno ng Republika ng Pilipinas!

Bakit? Aba eh, kalaban ‘yan ng estado tapos tutulu-ngan mo!

Kung sasabihin namang “token” bilang patunay ng pamahalaan na talagang desidido tayo na isulong ang kapayapaan, aba eh hindi pantay ang turing natin sa mga rebelde!

Bakit hindi na rin tayo makipag-kapayapaan sa mga rebeldeng NPA? At bigyan na rin natin sila ng pera!

Bakit hindi na rin tayo makipag-kapayapaan sa MNLF? At bigyan na rin natin sila ng pera!

Bakit hindi na rin tayo makipag-kapayapaan sa mga Abu Sayyaf? At bigyan na rin natin sila ng pera!

Bakit hindi na rin tayo makipag-kapayapaan sa mga sindikato ng kidnap for ransom at carnapping syndicates gaya ng Dominguez group? At bigyan na rin natin sila ng pera!

Ang masakit pa nito, parekoy, ang nasabing 5 milyong piso ay tulong pala ng pamahalaan para sa pagsasagawa ng MILF ng Bangsamoro Management and Leadership Institute.

Ito, parekoy, ay para sanayin nang husto ng MILF ang kanilang kabataan para maging magagaling na “future leaders!” Susmaryosep! Wala nga tayong AFP Management and Leadership Institue!

Akala ko ba eh, ayaw natin ng giyera? Bakit binigyan natin ng pera ang MILF para sanayin nang husto ang kanilang mga batang mandirigma?

Baka kulang pa ang nasabing pondo! Bakit hindi na lang patayuan din sila ng Bangsamoro Military Academy o BMA? Hak, hak, hak!

 

INUTIL ANG PASAY City Chief of Police na si Col. Melchor Reyes kung pag-uusapan ang pagsugpo sa mga iligal na gawain sa kanyang nasasakupan! Ipinagdidiinan ‘yan, parekoy, ng ating tawiwit sa nasabing lungsod.

Kasi raw, alam ni Col. Reyes na kapag niratsada niya ang mga iligalista sa Pasay na sina Aging Lisan, Carlo taba at Boy Corcuera ay biglang tatawag ang isang dating konsehal na ngayon ay nagpapakilalang “bagman” ni Mayor Antonio Calixto na si Arceo.

At alam na umano ni Col. Reyes na kapag hindi niya ipinaarbor dito ay tiyak na may paglalagyan siya kay yorme. Gaya ni Col. Nap Cuaton, siguradong sibak siya!

Kaya nga ang ginagawa raw ni hepe ngayon ay tinatanggap na lang ang mga parating! He, he, he, may pera ka na… hindi ka pa masisibak!

‘Yun nga lang, inilulugmok ninyo sa bisyo ang mga taga Pasay! Letse!

Total naman daw, sa kanyang mga aktwasyon ay ito ang gustong mangyari ni Mayor Calixto! Ha? Totoo ba ‘yan, Mayor?

Tsk, tsk, tsk. Pwe!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.