Bangsamoro bill, highest priority ng Kamara

HIGHEST PRIORITY ang ibibigay ng Kamara sa panukalang maisusumite sa kapulungan para sa pagtatag ng Bangsamoro region alinsunod sa kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay House majority leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II, kahit pa abutin ng adjournment sine die ang pagdinig sa mga panukala ay magbibigay ng otorisasyon ang kapulungan na ituloy ang proseso.

Umaasa si Gonzales na hindi na kakailanganin pa ang pagbabago ng Saligang Batas para bigyang daan ang nasabing kasunduan sa MILF.

Nangangamba naman ang majority leader na kung mangangailangan pa ito ng Chacha ay mabibitin ang implementasyon ng kasunduan.

Inihayag ni Gonzales na inaasahan niyang isasantabi ng lahat ang kanya-kanyang kulay pulitika sa pagtalakay sa panukala para sa Bangsamoro, dahil lahat naman ay naghaha-ngad ng kapayapaan.

Bagama’t gusto umano nilang mapabilis ang pagpoproseso ay titiyakin nilang masusing mapag-

aaralan ang nilalaman ng lahat ng annexes ng kasunduan sa MILF.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.