Bangs Garcia, wants to kiss Shaina Magdayao on cam

BY THIS TIME, expected nang nakapanganak si Vina Morales sa panganay nila ng boyfriend niyang si Cedric Lee. Hindi natuloy ang nakatakda sanang date with the stork ni Vina noong April 10, Biyernes Santo, gaya sa unang napabalita, kaya tungkol dito ang tinanong kay Shaina Magdayao, kapatid ni Vina, sa press conference para sa Kambal sa Uma.

“Ganoon daw talaga kapag panganay. ‘Yung due date na unang sinasabi, minsan, nae-exted pa ng ilang araw. Pero, may mga nararamdaman nang contractions si Ate, kaya alam naming hindi nalalayong manganak na siya. Gusto ko na ngang makatanggap ng tawag na nanganak na siya,” sabi pa ni Shaina nang makapanayam ng press noong April 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound.

Siguro naman, paglabas ng balitang ito’y nakapanganak na si Vina. May mga kumakalat na chikang hindi naman daw gusto ng mga Magdayao ang boyfriend ni Vina na nakabuntis dito.

“Kung ano ang gusto ni Ate, buhay n’ya kasi niya ‘yun. Naririto lang kami palagi to support her,” sabi pa ng young actress.

Natsi-tsismis na ring nagli-live in na sine Vina at Cedric.

“Kung anuman ang gawin nila sa buhay nila, matatanda na sila para mag-decide ng kung ano ang gusto nila, ‘di ba? Basta, walang problema sa pamilya namin, at ang mahalaga, maipanganak nang matiwasay ang pamangkin ko (na ang pangalan ay Ceana),” tanging nasabi na lang ni Shaina.

NAGIGING PABORITONG COVER girl si Bangs Garcia. Nakapag-pose na siya sa Maxim, and another sexy pictorial for FHM ang isusunod na lalabas daw next month, kasabay ng birthday niya. Pre-anniversary issue raw ‘yun ng nabanggit na mag. May isang wholesome glossy mag din ang iko-cover siya.

Cover din si Bangs ng Gadget mag. Usap-usapan na kakabugin ni Bangs ang cover na nagtampok sa Mocha Girls, na ipinakita pa roon ang paglalaplapan ng mga miyembro ng grupong ito. Nakita na ni Bangs ang mag na naglalaman ng mga ‘yun.

“Grabe, ha! Ewan ko lang kung kakayanin ko ‘yung ganoong mga eksena sa pictorial,” at saka natawa si Bangs.

Pero, kung sakaling gagawa ng indie film si Bangs na may tema ng lesbianism, sino naman among actresses ang type niyang makalaplapan on-cam?

“Marami naman d’yan… siguro, si Shaina (Magdayao)!” Sabi pa ni Bangs.

Oh, sa sinabing ito ni Bangs, hindi kaya parang nato-tomboy siya sa kanyang co-star sa Kambal sa Uma?

“Pero, depende kasi ‘yan sa script or material. Baka sobrang ganda ng project at mapansin ang akting ko, why not?” Sabi pa niya.

Mukhang malabong mahilig sa pompyangan ang aktres dahil hanggang ngayon, balitang naririyan pa rin sa piling niya ang lalaking nagbibigay ng inspirasyon sa kanya. Makahulugang ngiti lang ang isinusukli ni Bangs kapag itinatanong sa kanya ang tungkol sa guy.

“Hanggang ngayon, hindi ko pa siya boyfriend. Ah, basta, happy ako!” Tila pag-iwas pa ni Bangs sa topic.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.