Bangs Garcia, tambay rin sa condo ng singer-host: Zara Lopez, nakipag-one night stand kay Billy Crawford?

TAHASANG SINABI NI Zara Lopez, dating Viva Hotbabe, na madalas daw pumapasyal si Bangs Garcia sa condo unit ni Billy Crawford, at kung ano ang nangyayari sa dalawa… eh, bahala na raw mag-isip ang publiko.

Inamin din ni Zara na nagkamabutihan a daw sila ni Billy, at paminsan-minsan dumadalaw din daw siya sa condo unit ng singer-host. Pero deny to death naman ang lola mo kung nagkaroon nga sila ng one night stand ni Billy. “P’wedeng sagutin ‘yan… off cam na lang, ha-ha-ha!” Pero sa mga ngiti ni Zara, iisipin mong meron nga.

Hindi naman daw siya natatakot sa girlfriend ni Billy na si Nikki Gil, dahil hindi naman daw sila personal na magkakilala nito. Basta ang mahalaga raw sa ngayon ay masaya siya. Kase-celebrate nga lang ni Zara ng kanyang birthday noong Sabado sa isang bar sa Timog Ave. sa Quezon City.

NAWALAN NG STUDIO ang programa ni Amy Perez sa TV5, dahil ito raw ang studio na gagamitin ng bagong programa ni Willie Revillame, puspusan na raw ang pagsasa-ayos nito. At si Amy… doon na sa studio sa Marikina.

MALUNGKOT AT HALATANG walang-gana si Mr. Fu sa taping ng kanyang showbiz program sa QTV-11. Napapabalitang iyon na raw kasi ang huling linggo niya sa nasabing programa, dahil tsinugi na siya ng mga executive ng nasabing network.

BLIND ITEM: ISANG hunk actor na billboard model din, ang nagpa-interview sa press na ngumunguya ng chewing gum. Ito rin ang aktor na paulit-ulit na napapabalitang bad breath. Sa pagngata ng chewing gum ng hunk actor na ito, halos tumalsik na ang mga laway nito sa mga nag-i-interview, kaya naman ang mga press people, mega iwas na huwag matalsikan, at ang nagdurusa sa laway ni hunk actor ay ang mga microphone.

Pero hindi pa ‘yan… aba’y hindi rin pala naggugupit ng kuko ang hunk actor na ito! Ang dumi… as in ang dumi-dumi ng mga kuko nito sa kamay, habang pilit na itinatago sa press people ang pawisang mga palad at dugyot na mga daliri nito.

Sayang at marami pa namang fans ang hunk actor na ito. Kaya ang advise ko sa kanya, maligo, mag-toothbrush at mag-spray ng pabango… ‘yun na!

TwitMozzo
by Gary de Leon

loading...

9 thoughts on “Bangs Garcia, tambay rin sa condo ng singer-host: Zara Lopez, nakipag-one night stand kay Billy Crawford?

  1. NOT TRUE!
     Sobrang love ni Billy si Nikki <33
    He told na din na he's willing to wait. 
    Referring to *** after marriage– Billy: "If that's the one she's asking for..I'll give, ibibigay ko sa kanya." 

  2. haha… mabaho ba talaga yung hininga ng lolo niyo?? parang true kasi maraming beses ko na narinig yan..
    napakacheap naman pala nitong si billy.. hindi ba siya napagbibigyanni nikki kaya sa iba nagtoot..HAHA

  3. wala na iba parang imburnal sa baho hininga nyan…kaya laging yosi at alak ang hawak para mabawasan ang amoy kupal na hininga

  4. ang ang dominador nya kung ganun. smellanie marquez ba? as in kahit may sinusitis, nag eenter the dragon pa rin ang smell nya. sya rin ba yung may lupain sa daliri?

  5. Kung si Jake Cuenca man ito, sana may makapagsabi sa kanya, sometimes Jake has a very thick make up on his face. Does he wear a lipstick too?

  6. jake cuenca ba ang hunk actor sa b.i. ?

    and as for billy joe, no surprise. because your lola nikki gil is pa-virgin effect kaya gets ni billy sa ibang gel ang libog.

Leave a Reply

Your email address will not be published.