Bangs Garcia, ipapakita ang dapat ipakita! – Eddie Littlefield

NAGLOKA-LOKAHAN NA naman si Roxanne Guinoo. Tanggihan ba naman ang teleseryeng Magkano Ang Iyong Dangal ni Direk Chito Roño. Hindi pa raw siya ready to do sexy scenes, ganu’n? Well, suwerte ni Bangs Garcia kahit second choice lang, bida na ang dalaga sa bagong soap ng ABS-CBN.

“Sayang talaga, okey lang ‘yun dahil Roxanne Guinoo na siya. It’s time to give chance to others. At first, alanganin nga akong tanggapin itong project kasi ang feeling ko hindi pa ako hinog. Marami pa akong dapat matutunan, then na-realize ko, I’m lucky dahil sa akin ipinagkatiwala ang proyektong ito. I’m willing to learn naman, I will try my best na magustuhan ako ng manonood. I’m sure makaka-relate sila sa bawat character na gagampanan namin dito. Lahat-lahat ay gagawin ko sa ikagaganda ng soap namin,” ani Bangs.

Nag-audition, nag-workshop si Bangs bilang paghahanda. Karapat-dapat nga bang gampanan niya ang karakter ni Carmela, isang mabait at masunuring anak na gagawin ang lahat alang-alang sa minamahal? “Natuwa siguro sa akin si Ma’am Charo (Santos) dahil maganda ang kinalabasan ng workshop ko, kaya siguro ako ang napili.”

Para kay Bangs, hindi na issue ang pagpapa-sexy dahil nagawa na niya ito sa Palos with Jake Cuenca. “Nang i-offer nila sa akin itong project, sinabi agad nila sa akin na may mga sexy scenes ako rito with Sid and Rayver. Hindi lang basta sexy ‘yung role ko, drama rin siya. Actually, du’n mo maipakikita kung magaling kang artista. Definitely, there will be love scenes, hindi lang isa, marami ‘yan for sure at handa na ako du’n. Nakapag-adjust na ako pero goal ko rin na hindi ma-typecast sa ganitong klaseng role. Gusto ko ring makaganap ng iba’t ibang characters. Gusto kong ma-explore. Gusto kong makita kung saan ako magaling kaya gusto kong i-try ang iba-ibang role,” sey ni Bangs.

Inamin ni Rayver na virgin pa siya, walang karanasan sa sex. Pinaghandahan na kaya ni Bangs ang first love scene nilang dalawa? “Sabi nga nila, ako raw ang magbibinyag kay Rayver, natatawa nga ako. Sabi nila virgin pa raw si Rayver, ewan ko lang! Sige, tingnan natin, challenge ‘yan on my part. Ako ang una niyang makaka-love scene on screen. Excited ako, si Direk Chito ang bahalang mag-motivate sa aming love scenes. Sa kanya ko na lang ipauubaya ang lahat, gagawin ko ang dapat gawin,” pahayag ng sexy actress.

Aware ba naman si Bangs na baka pagselosan siya ni Sarah Geronimo na balitang dyowa raw ni Rayver? “Hindi naman siguro, I know Sarah pero hindi kami ganu’n ka-close. Ang pagkakakilala ko sa kanya, she’s not type of a person na agad magseselos. Alam niyang trabaho lang itong ginagawa namin at saka mabait si Sarah.”

Balitang napaka-daring ng role na gagampanan ni Bangs. Handa na kaya siya to the max sa mga sexy scene nila nina Sid at Rayver? “Yeah, I think I can do daring scenes. Sa tingin ko hindi naman ganu’n ka-daring, kasi for TV ito. Ready na akong gawin kung anuman ‘yung kinakailangan sa eksena. Relaxed na ako sa aking mga leading man na parehong napaka-gentleman.”

Excited na rin si Bangs sa mga sexy scenes nila ni Sid. Kung sakaling walang girlfriend ang binata, puwede kaya siyang ma-in-love dito? “He’s very, very sexy! ‘Yung personality niya… ibang klase ang dating! May karisma, masarap kausap at intelihente. Tingin ko kay Sid, hindi siya mahirap mahalin. Kahit sinong babae mai-in love sa kanya. As an actor, hanga ako sa kanya, magaling siya. Sa set nga, binibigyan niya ako ng pointers, inaalalayan niya ako sa mga eksena namin at napaka-cool,” papuring sabi ng dalaga.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Bangs Garcia, ipapakita ang dapat ipakita! – Eddie Littlefield

    • si rayver ang younger version ni julius babao bakit naman kaya yung sex virginity na naman ang pinag uusapan dito at yung lalake pa. naku pinagsawaan na yan ng mga bakla sa abs-cbn at mga executive pa ang nanguna sinundan ng kanyang mga handler at yung namumuno dun sa he he he he alam nyo na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.