Bangs Garcia, hubo’t hubad sa love scene sa kanyang pelikula

FOR THE first time, bigay to the max ang ginawang sexy scene ni Bangs Garcia with Allen Dizon sa indie film na Lauriana, idinirek ni Mel Chionglo. Isang baylerina rito ang dalaga nu’ng 1950’s na umibig at inabuso nang husto ng isang “bipolar” na PC (Philippine Constabulary) na ginagampanan ng award-winning actor na si Allen. Showing on September 11 -17, exclusively in all SM Cinemas nationwide as part of All Masters Series Film festival ng Sineng Pambansa.

Ikinuwento ni Bangs na medyo natakot siyang gawin ang lovemaking nila ni Allen dahil ngayon lang niya ito gagawin sa pelikula. Pero nu’ng ipinaliwanag sa kanya ni Direk kung gaano kaimportante ang eksenang kukunan, napapayag na rin siya nito.

Ibinigay ni Bangs ang hinihingi ni Direk Mel sa mga maseselang eksena nila ni Allen. Inaasahan niyang ikagugulat ng kanyang pamilya ang love scene nila ng actor/producer. Gusto nitong mag-mature as an actress at maganda ang script ni Ricky Lee kaya napapayag siyang maghubo’t hubad sa harap ng kamera same with Allen habang nagtatalik sila. “Gusto ko ang audience ang humusga ‘yung ginawa ko sa movie na masasabi kong sobrang daring, baka ito na ang una’t huli kong gagawin,” sabi ni Bangs.

After the take, hindi makatayo sa pagod sina Bangs at Allen. Tuhog naman kasi ang eksena, nag-umpisa na may damit hanggang nagsimula na silang magtalik. “Fifteen minutes na hindi nagka-cut si Direk Mel, kaya kami ni Allen, nag-imrovise kung ano ang gagawin, iba’t ibang posisyon at galaw. Maganda ang ilaw at inalagaan ang shot, hindi bastos, very erotic at maglalaro ang imahinasyon ng audience.

Ayon kay Bangs, okay raw katrabaho si Allen dahil nagkasama na sila sa isang pelikula. Ramdam niyang hindi ito nagte-take advantage bagkus pinoprotektahan pa siya nito na maiwasang makita ang private part ng sexy actress.

“Nakakaloka after the scene, pinanood namin sa monitor, napaka-realistic ng love scene namin, maganda ang pagkakagawa, hindi bastos,” aniya.

Tanggap ni Bangs na ang titignan ng manonood ay ‘yung daring scene niya. Pero naniniwala siyang hindi lang hubaran ang bentahe ng kanilang pelikula. Maganda ang istorya at hango sa tunay na pangyayari nu’ng 1950’s sa probinsiya ng Quezon.

Sa trailer pa lang, maganda ang production values at talagang  pinaghirapan. Ito’y isang advocacy film on women’s rights. Ipakikita rito ang sari-saring pang-aabuso na pinagdaanan ni Lauriana at ang trahedya ng kanyang kinasadlakan sa kabila ng kanyang paglaban.

Inamin ni Direk Mel na totally-naked sina Bangs at Allen, naka-plaster lang ang kanilang private part. Hindi siya nahirapan kunan ang iba’t ibang anggulo ng dalawa dahil bigay na bigay ang mga ito sa maiinit nilang eksena.

“Magaling si Bangs dito, hindi lang ‘yung kaseksihan niya ang mapapansin ng manood pati ‘yung husay niya sa pag-arte. Masaya ako sa ipinakitang performance niya. Naibigay niya sa eksena ang sari-saring emosyon na kailangan ng kanyang karakter. Tiyak na pagnanasahan si Bangs ng kalalakihan dahil napakaganda niya at sensual sa pelikula ito. Hindi malayong maabot ni Bangs Garcia ang naabot nina Lorna Tolentino, Elizabeth Oropesa at Jaclyn Jose, na kahit nagpa-sexy kinilala bilang mahuhusay na aktres ng kanilang henerasyon,”papuring turan ng master director na si Mel.

Nalaman din namin kay Direk Mel na 3.5 million ang production cost ng kanyang pelikula. Tinapos lang niya ito ng 10 days, four days shooting  sa Quezon province at 2 days sa Metro Manila.

“Sobrang nag-enjoy ako sa pelikulang ito dahil naging very cooperative ang aking mga artista. Walang naging probelma habang ginagawa naming ito. Pati mga tao sa small barrio na tinirhan namin ay pawang mababait. Very memorable para sa akin ang pelikulang ito,” masayang tsika pa ni Direk Mel Chionglo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

One thought on “Bangs Garcia, hubo’t hubad sa love scene sa kanyang pelikula