Bangs Garcia bounces back!

SI BANGS Garcia ang isa sa mga morena actresses sa bakuran ng ABS-CBN na masa-sabi mong may ibubuga in terms of beauty, sexiness and talent combined. Nag-umpisa ito bilang isang print ad model at kalauna’y pinasok ang showbiz sa pamamagitan ng teen show na ‘Let’s Go’. Sa programa ring ito nag-umpisa sina Alex Gonzaga, Joem Bascon at Charee Pineda.

More than three years ago ay buong tapang na sumabak si Bangs Garcia sa pagpapa-sexy sa iba’t ibang panlalaking magasin. Dahil dito, naging leading lady siya ni Jake Cuenca sa programang Palos. May mga tsika pa nga na nagkadebelopan daw ang dalawa. Later on, naging calendar girl na rin ang bebot para sa isang produkto ng alak at nagbida pa sa panghapong drama na ‘Magkano ang Iyong Dangal?’.

Very promising na sana ang path to stardom ni Bangs Garcia nang biglaan itong tumamlay. Anyare?! Sa totoo lang, hindi namin masyadong naramdaman ang presence niya last year except nang gampanan niya ang nakakalokang sidekick role sa Segunda Mano. Mas napansin nga ang OA but charming acting niya kaysa sa mga bida, ‘noh!

Anyway, Bangs Garcia is back in Jake Cuenca’s arms sa bagong teleseryeng ‘Kung Ako’y Iiwan Mo’. Kinunan pa talaga sa Doha, Qatar ang nasabing palabas kaya bonggang comeback ito! Si Shaina Magdayao ang makakasalo nila sa lead title at in fairness, intense ang batuhan ng linya ng tatlo base sa trailer na inilabas kamakailan lang.

Pasok din si Bangs sa isang Cinemalaya film at balita rin namin na nagkaroon ito ng isang exhibit kamakailan, kung saan featured ang mga paintings niya. Artist na artist ang dating!

Ngayon na muling sumisigla ang takbo ng karera ng dalaga, wish lang namin ay magtuluy-tuloy na ito. Time to bounce back, Bangs!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.