Bangs Garcia, ayaw matawag na sexy star

MATAPOS MAG-POSE ng super daring sa isang men’s magazine at magtalop sa isang indie film ay buong ningning na sinabi raw ni Bangs Garcia sa ilang press na ayaw na ayaw niyang mababansagang sexy star!

Bakit?! Ito ang naging pahayag ng mga nakausap naming mataray na reporter. Ano raw ang inaarte niya at hindi pa siya masasabing big star?

Maganda naman ang naging katuwiran ni Bangs nang makatsikahan ng ilang press. Ayon sa sexy star (naku! Ayaw nga palang matawag na sexy star)… este, ayon kay Bangs, kaya nga raw siya nag-absent ng 2 years sa pagrampa sa ginanap na victory party ng isang men’s magazine ay para raw maiwasan nang mabansagang siyang sexy star.

Sabi pa ni Bangs, kinausap na raw niya ang Star Magic tungkol sa roles na gustong niyang gawin. Gusto raw niyang makilala bilang versatile actress na hindi kailangang magpa-seksi.

Katuwiran pa ni Bangs, na-inspire daw siya nang manalo siyang Best Supporting Actress sa paglabas niya sa Segunda Mano. Hindi raw siya nagpa-seksi sa nasabing movie, pero napansin daw ang kanyang galing at husay sa pag-arte.

Doon daw niya napagtanto na kaya niyang maging effective at competent actress na hindi na kailangang maghubad.

Naunawaan naman daw ng Star Magic ang kanyang request pero hindi niya alam kung kailan siya bibigyan ng bagong project at okey naman daw sa actress kung lie-low muna siya sa mga teleserye dahil may dalawa siyang indie films na ginagawa, ang Editha Burgos Story at ang launching movie niya na Lauriana.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Bangs Garcia, ayaw matawag na sexy star

Leave a Reply

Your email address will not be published.