Bangko Sentral, Umalma sa Pagkakasangkot sa Impeachment

UMALMA ANG Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pahayag na posibleng sangkot ito sa pagpapasapubliko ng mga bank records ni Chief Justice Renato Corona mula sa Philippine Savings Bank (PSBank).

Iginiit ng BSP na taliwas sa testimoniya kamakalawa sa impeachment trial ni PSBank president Pascual Garcia III, hindi umano nagkaroon ng pagkakataon ang kanilang mga examiners na masilip ang mga deposit account records ni Corona.

“BSP examiners therefore could NOT have copied nor secured copies of such deposit account records including the signature cards of Chief Justice Renato Corona,” base sa statement ng local banking system’s regulatory authority.

Kinilala rin ng BSP ang examiner na si Jerry Leal na umano’y miyembro ng kanilang Anti-Money Laundering Specialist Group.

Iginiit naman ng bangko sentral na limitado lamang ang access ng kanilang tauhan sa tinatawag na “politically exposed person” o PEP ng naturang bangko.

“PSBank was therefore directed to improve its tagging of PEPs to strengthen its compliance with the Anti-Money Laundering Act (AMLA),” ayon pa sa pahayag ng BSP.

Sa ika-20 araw ng impeachment proceedings, lumutang ang posibilidad na maaaring mula sa BSP at Anti-Money Laudering Council (AMLC) ang pinagmulan ng kopya ng bank records ng punong mahistrado dahil inamin ni PSBank President Pascual Garcia na nagsagawa ng audit ang dalawang sangay ng pamahalaan sa kanilang bangko noong Setyembre 2010.

Kabilang ang bank records ni Corona sa mga target ng audit ng BSP at AMLC lalo’t itinuring na politically exposed person (PEP) si Corona, ani Garcia.

Dahil dito pinasusumite ng impeachment court sa bangko kung sinu-sino ang mga kinatawan ng BSP at AMLC na nag-audit sa bank records ng punong mahistrado. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.