Bangkero, Tinodas sa Bangka

TODAS ANG isang bangkero matapos barilin ng isa sa tatlong suspek na sakay ng bangkang de-motor habang ang una ay sumasagwan ng dalang bangka sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama sa batok si Bienvenido Inalisan, Jr., 30 ng Arellano St., Concepcion ng lungsod.

Pinaghahanap naman si alyas Emong at dalawang hindi pa kilalang suspek.

Batay sa ulat, alas-7:30, sumasagwan ng bangka ang biktima at pagsapit sa Malabon-Navotas River sakop ng Concepcion, Malabon City ay binangga ng mga suspek sakay ng bangkang de-motor.

Sumampa si Emong sa bangka ni Inalisan at pinaputukan na naging dahilan upang mahulog sa ilog ang biktima bago nagsitakas ang mga suspek papuntang Navotas.

Nasaksihan naman ni Marlon Cruz ang pangyayari kung kaya’t nilangoy ang kinabagsakan ng biktima at dinala sa daungan ng Tawiran 3 sa Concepcion subalit patay na nang maiahon.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng nabanggit na insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.