Bangkero, Tinarget ng Guwardiya

KRITIKAL ANG isang bangkero matapos targetin ng sekyu habang ang una ay namamangka sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Jefferson Palisoc, 21, ng C. Arrellano St., San Agustin ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang guwardiya ng Irma Fishing Company sa nasabing lugar na nakilalang si Joseph Abrew, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat,  alas-3:30 ng hapon, namamangka sa Malabon-Navotas River sa likod ng binabantayan ng suspek nang putukan ni Abrew.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.