Bangkay sa Riles ng Tren

NATAGPUAN ANG bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na nakahandusay sa riles ng tren at may tama ng bala sa ulo sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sa ulat, alas-7, isang residente sa Daang Bakal St., Brgy. 59 ang nakakita sa bangkay ng biktima na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay nakitaan ng tama ng bala sa ulo ang biktima habang naka-handusay sa riles ng tren.

Wala namang nakuhang identification o anumang pagkakakilanlan sa biktima kung saan nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.