“Bangkay”, Pinaulanan ng Bala ng 3 Lalaki

PALAISIPAN SA pulisya kung ano ang motibo ng tatlong lalaki sa pagpaslang sa isang 35-anyos na tricycle driver sa Sorsogon City.

Kinilala ang biktima na si Melchor Bañares y Habal alyas “Bangkay” at residente ng Barangay Sampaloc, sa nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinaabot ni Supt. Renato Bataller, tagapagsalita ng Police Regional Office-V, bandang alas-3:15 ng madaling-araw kamakalawa, nang matagpuan na lamang na nakabulagta na wala nang buhay ang biktima.

Sinasabing tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan ang nasa likod ng naturang krimen.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.