Bangkay ni lola, nangamoy sa loob ng tindahan

MABAHONG AMOY ANG nagturo upang malaman na patay na pala ang isang lola sa loob ng tindahan nito sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Naaagnas na nang makita si Leoncia Manuel, 84 ng Gen. Luna St., ng lungsod.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga, nakaamoy ng mabaho ang mga kapitbahay ng biktima na naging dahilan upang hanapin ang pinagmumulan.

Pagtapat sa tindahan ng biktima, lalong lumakas ang amoy na naging dahilan upang katukin subalit walang sumasagot.

Humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang mga kapitbahay ng lola at nang buksan ang pinto ay tumambad ang bangkay ng biktima na naaagnas na.

Nabatid na limang araw na ang nakalilipas nang huling makitang buhay ang biktima at hindi na ito pinansin ng mga kapitbahay nang hindi magbukas ng tindahan sa pag-aakalang umalis lamang ang matanda.

Wala namang nakitang palatandaang pinatay ang biktima kung saan inaalam na ang sanhi ng pagkamatay ng lola.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.