Bangkay ni Claudia Zobel, Hindi naaagnas

PALAISIPAN SA mga kamag-anak ng pumanaw na aktres na si Claudia Zobel ang hindi pagkakaagnas ng kanyang bangkay, kahit na 29 na taon na ang nakakaraan mula nang ito ay inilibing sa Cebu.

Ito ay matapos hukayin sa Queen City Memorial Garden kamakailan ang mga labi ng dating sexy actress.

Sinabi ni Ernesto Maloloy-on, ang kapatid ni Zobel na ililibing sana nila ang kanyang ama bukas dahilan kung kaya nila hinukay ang libingan kung saan plano umano nila ng iba pang kapatid na ilagay sa ilalim ang ama at sa ibabaw naman ang buto ng aktres.

Aniya, nagkaproblema sila dahil sa hindi nito pagkaagnas at gahol na sila sa oras para maghanap ng mapaglibingan sa kanyang ama.

Thelma C. Maloloy-on sa totoong buhay, ang aktres ay namatay 17 araw bago ang kanyang birthday dahil sa isang car accident noong Pebrero 10, 1984.

Naging popular si Claudia Zobel noong 1980s sa kanyang mga pelikulang “Magdalena Buong Magdamag,” “Uhaw sa Pag-ibig,” at ang critically-acclaimed film na “Sinner or Saint.”

Matatandaan na matapos ang pagganap sa mga malalaswang pelikula ay gumanap ito bilang seryosong aktres kung saan gumanap ito sa “Bayan Ko: Kapit sa Patalim” subalit namatay ito bago pa man natapos ang shooting sa nabanggit na pelikula.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

3 thoughts on “Bangkay ni Claudia Zobel, Hindi naaagnas

  1. Naku, wag naman sanang gayahin yung napanood ko sa tv na porke’t hindi naagnas ang matagal ng inilibing na Lolo ay ginawa nila itong parang santo na binibihisan/pinupunasan at tapos pipigain ang tela na pinangpunas na syang pinapainom sa mga tangang kababayan na sumasamba.

Leave a Reply

Your email address will not be published.