Bangkay ng Welder, Itinapon sa Ilog

LUMUTANG SA ilog ang bangkay ng isang welder matapos umano itong patayin ng kanyang mga kaaway saka itinapon kamakalawa ng umaga sa Navotas City.

Natagpuang tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Joel Macaraga, 24, may-asawa, ng Oliveros St., Tangos ng nasabing lungsod.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na nakilalang sina Rafael Balajadia; alyas Tar-tar; at alyas Weng-Weng, pawang mga nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa ilog ng North Bay Boulevard North, Navotas.

Ayon kay Elsie Belarmino, nakatira sa nabanggit na lugar, nagulat na lamang siya nang pagbaba ng kanilang bahay ay nakita niya sa ilalim ng kanilang bahay ang bangkay ng biktima, dahilan upang ipagbigay-alam nito sa pulisya ang nasabing insidente.

Sa salaysay ng saksing si Hector Salazar 36, sinabi nito na bago ang insidente ay nakainuman pa niya ang biktima at binanggit sa kanya ang mga pangalan ng mga suspek. “Ipinagbibilin ko pare na bahala ka na kung mapatay ako nina Rafael Balajadia, Tartar, at Wengweng.” Ito ang bilin sa kanya ni Macaraga.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.