Bangkay ng Tsinoy, Nangamoy

DAHIL SA masangsang na amoy, natagpuan ang bangkay ng isang Tsinoy sa loob ng tinutuluyang kuwarto sa Caloocan City kamakalawa ng

tanghali.

Nakilala ang biktima na si Antonio Ong, 75, ng A. Mabini St., Sangandaan ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:15 ng tanghali nang makalanghap ng mabahong amoy ang mga kalapit na kuwarto ng biktima.

Tinunton ang pinanggagalingan hanggang sa lumakas ang amoy pagtapat sa kuwarto ng biktima at nang buksan ay tumambad ang halos naagnas ng bangkay ni Ong na nakahiga sa folding bed.

Agad na itinawag sa mga pulis at nang respondehan ay wala namang nakitang foul play.

Tinatayang mahigit dalawang araw nang patay ang biktima nang matagpuan, kung saan inaalam na kung ano ang ikinamatay.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.