Bangkay ng Sanggol, Ninakaw sa Nitso

NAWAWALA ANG bangkay ng isang taon at siyam na buwang gulang na batang babae matapos ilibing sa Old Public Cemetery sa Santiago City, Isabela.

Hinala ng kamag-anak, ninakaw ang bangkay ng hindi pa kilalang salarin.

Ayon sa mga awtoridad, may tinutugis na silang dalawang salarin sa pagnanakaw.

Lumalabas sa pagsisiyasat, maaaring ginamit ang bangkay ng bata para ibenta sa mga medicine school para pag-aralan.

Ayon sa inang si Annaliza Gamboa, namatay dahil sa sakit sa puso ang bunso niyang anak na si Monaliza.

Masaklap pa aniya nito dahil ninakaw sa nitso ang labi ng sanggol dalawang araw lang matapos itong ilibing.

Ang naiwan lang sa puntod ay ang kabaong na pinaglagyan ng bangkay.

Samantala, nakiki-pag-ugnayan na ang pulisya sa mga paaralang maaaring pinagbentahan ng labi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.