Bangkay ng Sanggol, Nalambat

NAKABUROL NA sa kapilya ng Barangay Sto. Niño, sa bayan ng Magallanes, Agusan del Norte ang pinaghihinalaang isang bagong silang na sanggol.

Ang nasabing sanggol ay napasok umano sa sudsod o fishnet ng mangingisdang nagngangalang Randy Jumawan kamakailan.

Sinabi ni SPO1 Rolando Arquin ng Magallanes Municipal Police Station na buo na ang anyo ng duguang sanggol.

Kasalukuyang iniisa-isa na ng mga awtoridad ang mga ospital sa lugar upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga nanganak na pasyente na posibleng hindi na naiuwi sa bahay ang bagong silang na sanggol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.