Bangkay ng Pulis, Lumutang sa Dagat

NAAAGNAS NA nang makitang lumulutang sa dagat ang bangkay ng pulis ng mangingisda sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si SPO2 Teofilo Panlilio, 53 ng Varona St., Tondo, Manila at nakatalaga sa Manila Police District.

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang makita ng mangingisdang si Rolando Roque ang bangkay ng biktima na lumulutang sa dagat sakop ng Sitio Pulo, Tanza ng lungsod.

Dinala sa pampang ang biktima at ipinaalam sa mga pulis, kung saan nang respondehan ay nakitaan ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Nabatid na ilang araw nang nawawala ang biktima na huling nakitang kasama ang isang babae na asset umano ng pulis.

Noong Linggo ng gabi ay lumutang sa dagat sakop ng Davila St., Navotas West ang bangkay ng hindi pa kilalang babae.

Inaalam na ng mga pulis kung ang lumutang na bebot ang kasama ni Panlilio bago nawala.

Lumalabas din na isa si Panlilio sa mga pulis na naki-pagbarilan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila na ikinasawi ng apat na hinihinalang sangkot sa bentahan ng Shabu.

Nagsasagawa na nang im-bestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.