Bangkay ng Pinoy Tour Guide sa Pagsabog ng Mayon, Naibaba na

NAIBABA NA ang bangkay ng Pinoy tour guide na inabutan ng pagbuga ng makapal na abo ng Bulkang Mayon sa Albay noong Martes.

Nakuha na ang labi ni Jerome Berin kahapo ng umaga at dinala na sa Legazpi City.

Patuloy naman ang pagsisikap ng disaster management unit ng 9th Infantry Division at 901st Brigade ng Philippine Army (PA) na maibaba na rin ang bangkay ng apat pang dayuhan na una nang kinilalang sina Roland Tietze, Furian Stelter at Joanne Edosa, mga German; at Fara Frances, Spanish.

Samantala, nagpadala na rin ng dagdag na tauhan ang Office of Civil Defense (OCD) para tumulong sa pagbaba ng mga bangkay na naaantala dahil sa matarik na bangin at magdamag na pag-ulan sa bahagi ng bulkan.

Sa ngayon, ayon sa Department of Health (DOH), posibleng nasa state of decomposition na ang mga biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.