Bangkay ng Pinay na Ni-Rape at Pinatay, Iuuwi na sa ‘Pinas

INIHAHANDA NA ang gagawing memorial service sa St. Paul’s Church sa Woodbridge para sa ginahasa  at pinaslang na Pinay na si Joan Canino Ryther.

Lumalabas sa ulat sa Australia na mismong ang asawa ni Joan na si Cory Ryther ang nagkumpirma patungkol sa gagawing memorial service na magsisimula sa Sabado, Hunyo 8, ala-1:00 ng hapon.

Magkakaroon din ng public viewing sa bangkay ng Pinay kung saan imbitado ang lahat ng Pinoy sa Queensland at kahit hindi mga Pilipino ay puwedeng dumalo.

Nakatakda ring makipagkita ang Filipino community chaplain na si Fr. Marce Singson kay Cory, upang ibigay ang $6,000 na donasyon.

Pagkatapos ng memorial service, ibibiyahe na ni Cory ang bangkay ng asawa papuntang Pilipinas sakay ng Singapore Airlines, kung saan lalapag sila sa Davao City International Airport.

Mula sa Davao, sasakay sila ng bus papuntang Cagayan de Oro City at pagkatapos nito ay bibiyahe pa sila papuntang Ozamiz City saka magla-lantsa tungo na sa bayan ng Baroy sa Lanao Del Norte.

Sinabi ni Cory na aabutin umano ng 16 oras ang biyahe nito mula sa Brisbane papunta sa hometown ni Joan.

Una rito, sinampahan na ng kaso ang binatilyong salarin sa pagpaslang kay Joan na buntis ng dalawang buwan.

Matatandaan na natagpuan ang half-naked na bangkay ni Joan isang araw matapos mawala noong May 21.  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.