Bangkay ng Negosyante, Natagpuan sa Loob ng CR

PATAY NA nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang isang negosyante sa Quezon Province.

Kinilala ang nasabing biktima na si Jacinto Barqueros Sr., 60-anyos ng Barangay Pinagkamaligan, bayan ng Calauag.

Base sa ipinadalang report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), natagpuan na lamang ng kanyang kaanak na nakabulagta at walang buhay sa loob ng banyo ang biktima.

Posible umanong inatake ito ng hypertension lalo’t madalas itong nakararamdam noong mga nakaraang araw ng pana-nakit ng dibdib.

Wala namang nawawalang gamit sa bahay ng biktima habang may ilang naman sa mga tuhod nito.

Samantala, isasailalim pa sa eksaminasyon ang bangkay ng biktima para matiyak na walang foul play sa pagkamatay nito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.