Bangkay ng Nawawalang Mountaineer, Natagpuan na

ISANG HINDI pa nakikilalang bangkay ang natagpuan sa Mt. Maculot sa Cuenca, Batangas Sabado ng umaga.

Hinihinalang ito ang bangkay ng 27-anyos na mountaineer na napaulat na nawawala noon pang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

Marso 31 nang umakyat sa Mt. Maculot ang mountaineer na si Victor Joel Ayson at mula noon ay hindi na natagpuan.

Sinabi ni Cuenca Police Chief Sr. Insp. Jorl Illaga na natagpuan ang bangkay bandang alas-10:00 ng umaga.

Samantala, nilinaw ng mga pulis na sasailalim pa sa mga pagsisiyasat ang bangkay para makumpirma ang pagkakakilanlan nito.

Sa ngayon, patuloy pa ring isinasagawa ang pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.