Bangkay ng Marino na napatay sa Sulu, iniuwi na sa Iloilo

ILOILO CITY – DUMATING na sa Iloilo ang bangkay ng Ilonggong marino na napatay sa engkwentro laban sa mga kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Kamakailan ay dumating sa kanilang bahay sa Brgy. Licuan, Barotac Nuevo, Iloilo ang bangkay ni Sgt. Claro Lapasaran III.

Si Lapasaran ay isa sa pitong kasapi ng Philippine Marines na namatay sa bakbakan, kung saan ilan sa mga ito ay pinugutan pa ng ulo, kasama na ang Ilonggong sundalo.

Ayon sa ama ng biktima na si Claro Lapasaran Jr., pinipilit na lang nilang tanggapin ang sinapit ng kanyang anak.

Nanawagan ito sa gobyerno na pag-isipan kung ano ang nararapat na hakbang laban sa mga Abu Sayyaf na walang awang pumugot sa ulo ng mga sundalo.

Si Sgt. Lapasaran ay pumasok sa serbisyo sa edad na 24 at siyam na taon na itong naninilbihan sa Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa ama nito, hindi siya makatulog nang gabing mangyari ang insidente at ganoon na lamang ang pagdadalamhati nang malaman ang nangyari sa sundalong anak. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.