Bangkay ng Lolo, Nangamoy

DAHIL SA mabahong amoy, nadiskubre ang bangkay ng mister sa loob ng bahay nito sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Romeo De Guzman, 71, ng Gov. Pascual St., Sipac Almacen ng lungsod.

Base sa ulat, alas-7 ng gabi, pagarahe ang kapitbahay na pedicab driver ng biktima na si Jenaro Ambrocio nang makalanghap ng mabahong amoy mula sa bahay ng biktima.

Pinagbigay alam sa barangay ang naamoy at nang sapilitan buksan ang bahay ng biktima ay tumabad ang halos naaagnas ng bangkay ni De Guzman.

Wala namang nakitang palantandaan na pinatay ang biktima na mag-isa nang na-bubuhay matapos layasan ng mga kaanak.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.