Bangkay ng lalaki, itinapon sa baybayin ng Navotas

HINIHINALANG BIKTIMA NG salvage o summary execution ang natagpuang bangkay ng isang lalaki na may mga tama ng saksak sa katawan sa baybaying karagatan ng Navotas kahapon ng umaga.

Ang biktima na may tama ng saksak sa dibdib at kanang tagiliran ay naki-lalang si Richu Villacampa, 28, ng No. 379  Lapu-Lapu Ave., North Bay Boulevard North (NBBN), Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa dalampasigan ng nasabing lungsod.

Ayon sa isang mangingisda na nakakita sa bangkay ng biktima, karara-ting lamang nito galing sa pangingisda. Pagbaba ng kanyang bangka ay nagulat siya sa kanyang naapakan at nang kanyang tinignan ay wala nang buhay na si Villacampa.

Dito, agad na ipinaalam sa mga awtoridad ang nasabing insidente.

Inaalam na rin ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa biktima at pagkakakilanlan sa responsableng gumawa ng krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.