Bangkay ng Lalaki, Binaunan ng Patalim

 

NAKABAON PA sa katawan ng isang ‘di pa nakikilalang biktima ang patalim matapos itong matagpuang bangkay kahapon ng umaga sa Navotas City.

Inilarawan lang ang biktima na nakasuot ng puting T-shirt, berdeng basketball shorts at tinatayang nasa edad 19.

Sa ulat, alas-3:30 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa R-10, Bangkulasi ng lungsod.

Iniwan pa ng hindi kilalang suspek ang patalim na nakabaon sa katawan ng biktima, kung saan nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang una.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.