Bangkay ng Koreano sa Water Tank ng Condo

NAREKOBER ANG naaag-nas na bangkay ng isang Koreano sa tangke ng tubig sa Avida Towers condominium sa Parañaque City.

Kinilala ang biktima na si Kim Ji Hun, 38-anyos.

Sinabi ni Senior Inspector Dennis Sirilan na siyang unang rumesponde sa crime scene na posibleng suffocation dahil sa chlorine ang ikinasawi ni Kim.

Martes Santo pa nang mai-report na nawawala ang Koreano na nakita lamang sa tangke matapos inspeksyunin ng maintennce crew ang inireklamong masangsang na amoy mula rito.

Naniniwala naman ang live-in partner ng biktima na si Kyla delos Santos Taguian na mga guwardya ng condo ang responsable sa krimen.

Ito’y dahil nakuha umano sa mga ito ang dalawang maleta ng biktima na naglalaman ng P2 milyong cash at mga gadget.

Pinag-aaaralan ng mga kinauukulan ang kuha ng closed circuit television (CCTV) camera ng Avida Towers para sa pagsisiyasat.

Samantala, pansamantalang pinutol ang suplay ng tubig sa condominium habang dini-disinfect ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.