Bangkay ng Kelot sa Bangketa

WALA PA ring kumukuhang kamag-anak o kapamilya sa bangkay ng isang lalaking natagpuan sa bangketa ng Bangui, Ilocos Norte.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng PNP Bangui sa pamumuno ni S/Insp. Baldwin Sukoquen, chief of police ng Bangui, na ang biktima ay mahigit isang taong gumagala sa naturang bayan noong nabubuhay pa at hinalang may diperensiya sa pag-iisip.

Ang biktima na hindi pa natukoy ang pagkatao ay tinatayang 40-anyos hanggang 50-anyos, may taas na 5’2”, nakasuot ng brown pants, naka-jacket at green na t-shirt.

Samantala, Ss eksaminasyong isinagawa sa bangkay, ang biktima ang namatay sa cardio respiratory arrest.

Sa ngayon, ang bangkay ng kelot ay nananatili sa isang punerarya sa bayan ng Bangui.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.