Bangkay ng Kelot, Natagpuan sa Benguet National Highway

INAALAM NA ng La Trinidad Municipal Police Station (MPS) ang pagkakilanlan ng bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa national higway sa Longlong, Puguis, La Trinidad, Benguet.

Una rito, natagpuan ng isang estudyante ng Longlong Elementary School ang bangkay ng lalaki nakadapa sa madamong gilid ng kalsada sa naturang lugar.

Dahil dito, agad na ipinaalam ng bata sa kanyang mga magulang ang nakita nitong bangkay dahilan upang magtungo roon ang mga kinauukulan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng  mga awtoridad na nagtamo ng sugat ang biktima sa kanyang leeg at dibdib na dahilan ng pagkamatay nito.

Tinatayang nasa 22-

anyos hanggang 28-anyos ang biktima at may taas ito na 4’8” hanggang 4’10 na talampakan.

Samantala, nakahim-lay na ang bangkay ng naturang lalaki sa La Paz Funeral Homes sa Baguio City upang isai-lalim ito sa awtopsiya.

Maliban dito, kasalukuyang inaalam pa ng mga kinauukulan ang dahilan ng pagpaslang sa biktima at ang pagkakilanlan ng mga salarin.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.