Bangkay ng Kelot, Natagpuan sa Barangay Hall

PATULOY NA inaalam ng mga pulis ang ikinamatay ng hindi pa kilalang lalaki na nakitang nakahandusay sa hagdanan ng barangay hall sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Inilarawan lang ang biktima na nakaputing T-shirt na may tatak na “Binay 2010”, nasa edad 50 hanggang 60 na dinala na sa Eusebio Funeral Homes.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang makitang naka-handusay ang biktima sa hagdanan ng barangay hall ng Bagumbayan North ng lungsod.

Nang malaman na patay ay itinawag sa mga pulis, kung saan inaalam na kung ano ang ikinamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.