Bangkay ng Kelot, Natagpuan; Pugot ang Ulo, Walang Lamang-Loob, Putol ang Ari

NATAGPUAN ANG isang bangkay ng lalaki sa tabi ng ilog sa Sitio Pangyan, Barangay Poblacion Malungon, Sarangani Province na pugot ang ulo, walang lamang loob at putol pa ang ari.

Sinabi ni C/Insp Lorovie Rojo, chief of police ng Malungon PNP na kanyang inihayag na hindi pa nakikilala hanggang ngayon ang nasabing lalaki.

Wala pang ideya ang mga awtoridad kung nasaan na ang mga nawawalang bahagi ng katawan ng naturang biktima. Ang labi ay may tattoo na gagamba sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa motibo at kung sino ang responsable sa  nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “Bangkay ng Kelot, Natagpuan; Pugot ang Ulo, Walang Lamang-Loob, Putol ang Ari

Leave a Reply

Your email address will not be published.