Bangkay ng Kelot, Nakasabit sa Sanga ng Puno

WALA NANG buhay nang natagpuan ang isang lalaki na nakatali sa sanga ng puno sa bahagi sa Baseco Compound, Maynila.

Lumalabas sa ulat na bagama’t nakatali ang leeg ng biktimang kinilalang si Arnel Cueto, 36-anyos na taga-Calicanto, Batangas City, sa puno, nakasayad ang paa nito sa lupa.

Sinabi ng imbestigador na si PO3 Jupiter Jamonila ng Manila Police District – Homicide Division (MPD) na may isa pang residente sa lugar na nakakitang tumawid pa sa bakod mula Delpan patungong Baseco ang lalaki dakong alas-3:30 ng madaling-araw.

Makalipas umano ang 15 minuto, tumambad na lamang ang labi ng kelot sa mistulang garden sa lugar.

Nakilala ang nasabing biktima sa pamamagitan ng kanyang barangay certificate sa kanyang pitaka kung saan nakasaad na humihingi ito ng medical assistance sa kanyang sakit.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.