Bangkay ng Kelot, Isinilid sa Sako

ISANG HINDI nakikilalang bangkay ng lalaki ang natagpuan na nakasilid sa isang sako ng bigas na pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa Caloocan CIty kahapon ng madaling-araw.

Ang hindi nakikilalang bangkay ay may nakatatong pangalang “Buknoy” sa kanang dibdib at pa-ngalang “Vilma” naman sa kaliwang dibdib at may malalim na tama ng saksak sa balikat.

Base sa ulat ng Caloocan City Police Station, dakong alas-3:20 ng umaga nang matagpuan ng isang nagngangalang Ferdie Santos, isang tricycle driver at residente ng Potrero, Malabon City ang hindi nakikilalang  bangkay sa kahabaan ng Gen. Simon St. Caloocan City.

Ayon kay P/Inspector Jose Bonifacion, imbestigador ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Northern Police District, ang hindi nakikilalang bangkay na nakasilid sa sako ng bigas ay tinalian ng tape ang magkabilang kamay at ang bunganganga naman nito ay binalutan din ng tape.

May palagay ang Caloocan PNP na ang natagpuan bangkay ay biktima ng salvage at sa posibleng ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon sa nasabing lugar para iligaw ang pulisya sa isasagawang imbestigasyon.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ang nasabing himpilan ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan sa pinatay at kung sino ang may kagagawan sa nasabing salvage.

(ROMAN MAGPOC)  

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.