Bangkay ng Kelot, Isinilid sa Karton

ISINILID SA karton bago itinapon ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na sinasabing sinalbeyds sa Caloocan City kahapon ng umaga.

May taas na 5’5”, may tattoo ng Sputnik at brief lang ang suot nang natagpuan ang biktima sa Torsillo St., Dagat-dagatan ng lungsod alas-3 ng umaga.

Isang residente ang nakakita sa kahon ng LG na sinelyuhan ng packaging tape habang may nakasulat na “Jumper at Danny Toyo kaw na ang susunod”

Agad na itinawag sa pulis ang nakita at nang respondehan ay binuksan ang karton hanggang sa tumambad ang hubad na katawan ng biktima.

Nakitaan ng saksak sa katawan ang biktima, kung saan nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang biktima na dinala na sa St. Justin Funeral Homes.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.