Bangkay ng Kelot, Isinilid sa Drum

MARAHAS NA kamatayan ang sinapit ng isang lalaki sa kamay ng mga salarin dahil matapos patayin ay isinilid pa ang bangkay nito sa drum at itinapon sa Riverside Barra, Brgy Macabalan sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang nasabing biktima na si Elizer Boyet Caitor, 46, nakatira sa Parola Macabalan sa lungsod. Nakita ang bangkay ng biktima na inilagay sa isang drum at itinapon sa dagat.

Base sa ginawang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), sinabi ni S/Insp. West Esquidila, nagtamo ang biktima ng limang saksak sa likod, isa sa tiyan at tama ng bala sa ulo. Narekober din ng mga personahe ng SOCO ang isang empty shell sa hindi mabatid na klase sa armas.

Samantala, una rito, sinabi ng kapatid ng biktima na noong araw pa ng Lunes ito nawawala at pinaghahanap.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.