Bangkay ng Fratman, Itinapon sa Kalsada

NATAGPUAN NG mga kinauukulan ang bangkay ng isang 20-anyos ng lalaki na umano’y kasapi ng fraternity na tadtad ng bala ng baril ang buong katawan at nakatali ang mga kamay at paa nito sa kahabaan ng national highway sa Barangay Rabon, bayan ng Rosario, La Union.

Nakilala ang biktima na si Edno Facon, miyembro ng Taugama Fraternity-Salcedo chapter, residente ng Barangay San Vicente, Urdaneta City, Pangasinan.

Batay sa report mula sa Rosario Municipal Police Station, natagpuan dakong alas-8:30 ng gabi kamakailan ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Piniringan umano sa mata at saka tinalian ng hindi pa nakilalang salarin ng packing tape ang mga paa at kamay ng biktima.

Narekober din ng mga awtoridad mula sa pinangyarihan ng krimen ang anim na kapsula ng bala mula sa kalibre .45 na baril na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Samantala, nagpapatuloy sa kanilang imbestigasyon ang mga awtoridad upang tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga responsable at ang motibo sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.