Bangkay ng Engineer, nalambat ng mangingisda

SA HALIP NA isda ang mahuli ng isang mangingisda, isang lumulutang na bangkay ng lalaki ang kanyang nalambat habang nangingisda sa karagatan ng Navotas kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na ngayon ay nasa Marcelo Funeral Homes, Navotas ay nakilalang si Joseph Ebosco, nasa hustong gulang, civil engineer ng Makati Development Corporation, at tubong-Bataan.

Ayon sa saksing si Sonny Reyes, nasa hustong gulang, mangingisda, bandang alas-5 ng hapon nasa karagatan ito ng Wawa ng nasabing lungsod, upang pumalaot at manghuhuli ng isda .

Inilaglag na nito ang kanyang lambat sa dagat para magsimulang manghuli ng isda, subalit ang walang buhay na katawan ni Ebosco ang nahuli nito, at agad niyang ipinaalam sa pulisya ang nasabing insidente.

Agad na nakilala ang biktima nang makita sa bulsa ng pantalon nito ang kanyang PRC license bilang isang civil engineer, hindi naman nakitaan ng anumang sugat sa katawan ang biktima bilang palatandaang pinatay ito at itinapon sa dagat.

May hinala ang pulisya, na nalunod ang biktima nitong nakaraang araw ng Biyernes sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan, kung saan pauwi na ito ng Bataan at sumakay sa ferry boat mula sa Makati.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.