Bangkay ng Dutch at Asawang Pinay, Natagpuan sa Batangas

NATAGPUAN NA walana ng buhay ang isang Dutch at asawa nitong Pinay sa kanilang bahay sa Brgy. Alalum, San Pascual, Batangas.

Kinilala ang nasabing banyaga na si Johanea Halderman, 70-anyos at ang asawa na si Maria Aguirre, 58.

Natagpuang patay sa sahig ang dayuhan at hinihinalang nagbigti ito dahil sa lubid na nakatali sa leeg.

Habang natagpuan naman ang katawan ng babae sa kama na maaaring pinaslang sa pamamagitan ng pagtatakip ng unan sa mukha.

Lumalabas sa pagsisiyasat, sinunog ni Johanea ang itaas na bahagi ng bahay bago nagbigti.

Ayon sa ilang residente, malimit makitang nag-aaway ang dalawa dahil sa hinihinalang babae ng dayuhan.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat sa nasabing krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.