Bangkay ng dalagita, ‘di naaagnas

IKINAGULAT NG mga kaanak ng isang 17-anyos na dalagitang nagbigti na isang buwan na ang nakalipas dahil hindi pa rin ito naaagnas matapos nila itong ipahukay upang mu-ling isailalim sa awtopsiya sa pangunguna ng medico legal officer ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakabase sa Cagayan de Oro City.

Paniniwala tuloy ng mga kaanak ng biktimang si Marestella Besmanos na posibleng nais talaga nito na mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay matapos unang mai-report ng kanyang amo na natagpuan na lang nilang nakabitin na ito sa loob ng kanilang tahanan sa nasabing lungsod.

Una nang nagdududa ang mga kaanak ng biktima sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Butuan City Police Office dahil tinapos nila ang pagsisiyasat base sa salaysay ng amo ni Besmanos.

Dahil dito, hindi na nagsagawa pa ng malalimang pagsisiyasat  sa kabila ng kanilang pagkuwestiyon.

Samantala, positibo ang mga kaanak ng biktima na may makukuhang importanteng impormasyon mula sa labi sa tulong na rin ng ini-request nilang medico legal officer ng NBI upang malaman kung talagang nagpatiwakal ito o kaya’y sadyang pinatay ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.